Talumpati tungkol sa Kahirapan.


Karamihan sa bilang ng tao sa ating lipunan ay nasa mahirap na antas, siguro lahat naman tayo ay hindi gustong maging mahirap dahil mahirap ang maging mahirap. Tayong mga pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding problema, taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi natin basta-bastang malulutas ng dahil narin sa kahirapan. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga kurap na opisyal sa gobyerno, ninanakaw nila ang pondo sa ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamayang pilipino, kaya naman ang mga mahihirap na tao ay mas lalong humihirap, at ang mga taong mayayaman naman ay mas lalong yumayaman. Kadalasan nga mga mayayamang tao o may mas mataas na ranggo ay ang bababa ng pananaw sa ating kapwa tao na mahihirap. Isa pang dahilan ng kahirapan ay ang katamaran nating mga pilipino, wala tayong tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan na kung paano natin i-aangat ang sarili/pamilya natin. Alam naman nating lahat kung ano ang dulot ng kahirapan sa buhay natin diba? ba`t pinapatuloy pa nilang binubulsa ang mga pera na para sa atin? kung pwede naman nating ipamahagi sa lahat iyon, para naman yan sa ating lahat at ikabubuti sa ating bansa. Kaya tayong mga pilipino ay magtulungan at magkaisa para malutasan natin ang kahirapan sa ating bansa.

Mga Komento